Samot-saring alaala mayroon ako ng highschool, mga kapalpakan, may mga masasaya naman mayroon naman ding kabobohan. Umaga palang naliligo na dahil sa takot na baka malate at hindi na makapasok ng campus. Pagdating sa campus ngiting pang Miss Universe akala mo dala-dala ang crown ng, mundo saka ngingiti may mga iilan ding napapangiti isip-isip mo naman ang ganda mo yon pala natatawa sila kasi may isang kudyot pa ng karneng naipit sa pagitan ng ngipin mo.
Pagdating sa silid aralan nakikipag-sawsawan sa mga kaklaseng mga bakla, kanya-kanyang istasyon, may mga chismosa tungkul sa kung anu-anu mga kabubuluhan at kalokohan. Sa kabila ng kasayahan at chismisan, biglang eksina si teacher at sasabihing ''ok....class set down and get your assignment '' at heto ka naman proud na proud, dahil may assignment, yon pala naki-kopya lang sa kaibigan na kinopya lang din lang naman ng kaibigan mo sa katabi niya, na hindi nga rin alam kung yon ba talaga ang assignment na ibinigay sa iyo.
Pagka-recess time, kanya-kanyang grupo yong eksinang akala mo grouping sa activity sa isang subject.Papunta sa canteen habang nasa daan walang tigil lahat sa katatalak, animo'y reporters ng 24 oras. Sa kakachismis inabutan na kayo ng bell, kaya heto kanya-kanyang takbuhan tapos aabutan niyo si maam '' class wala tayong pasok ngayon kasi may aasikasuhin ako '' sa kamalas-malas mo nalaglag ang hawak-hawak na bananaque, dahil sa katatakbo yon pala hindi papasok ang iyong guro.
Pagsapit ng Valentines day malungkot ka kasi wala kang date, iyong mga kaibigan mo ayon iniwan ka dahil may lakad sa kanikanilang jowa. Kaya heto nag-iisa pero nagtatanga-tangahan lang pala. Nagulat ka nalang kinabukasan may mga rosas at love letter, na sa upuan mo at heto ka naman tawa-tawa lang sa pag-aakalang galing yon sa admirer mo iyon pala PRANK lang ng mga kaibigan mo.
At ang pinaka malungkot ng parte ng pagiging highschooler, ay iyong Graduation na at may mga pagkakataon na hindi na kayo magkikita-kita ng mga kaibigan mong maging kadamay mo ng ilang taon. Kanya-kanyang kuha ng mga litrato, iyakan at tawanan, pero deep inside malungkot. Kasi ang lahat ng bonding niyo ay hindi niyo na magagawa iyong mga kalokohan sa klase at tawanang hindi kailanman malilimutan. Kanya-kanyang hawak ng sombrerong pang graduateion at bibilang ng tatlo at sasabihing ''Goodbye Highschool '' kasabay ng pagpapasalamat sa mga ala-alang, binigay nito sa buhay mo at ang pagbukas muling panibagong yugto ng buhay mo dito nagtatapos ang mga ala-aala na naging sandigan at hawak ko hanggang paglipas ng panahon at salamat sa pagiging highschool ko dahil naging baon ko ito sa kung ano ako ngayon.