Thursday, 1 November 2018

Undas sa Pinas

Image source


Tuwing sasapit ang ika-1 ng Nobyembre ay ginugunita natin at inaalaala ang mga yumao nating mga mahal sa buhay. Dito tayo dumadalaw sa mga sementeryo kung saan nakahimlay ang mga yumaong tao na minsan ay ating nakapiling. Ang iba sa atin ay nagtitirik ng kandila bilang pag-alala natin sa mga namatay. Nag-aalay din tayo ng isang taimtim na dasal na sana ay payapa na sila kung nasaan man sila naroroon. Ilan lamang ito sa mga tradisyon na nakagawian nating mga Pilipino.

Noong maliit pa lamang ako ay madalas kaming mag "trick or treat" ng mga kaibigan ko. Ginagawa namin ito sa gabi ng ika-1. Naalaala ko pa na nagmimake-up kami nuon para magmukhang nakakatakot. Ang iba namang mga kabataan ay nalilibang sa paggawa ng mga 'props' na pang 'halloween'. Ito yung mga home made na 'jack-o-lanterns', 'witch hats', at iba pa.

Bago mag November 1 ay dumadalaw na ang mga tao sa sementeryo upang magpintura ng puntod, habang ang iba naman ay abala sa paglilinis. Sa pagsapit ng undas, ay dumadalaw ang buong mag-anak sa sementeryo. Nagtitiis kahit na minsan ay siksikan, madalaw lamang ang yumaong mahal sa buhay. Ang ibang pamilya ay dito na nagpapalipas ng gabi. Nagdadala lamang sila ng 'tent' o di kaya ay kung anong pwedeng mahihigaan. Sa ibang mga lugar sa Pilipinas ay nagdadaos ng undas sa pamamagitan ng  pagpapalipad ng mga "lanterns", yung ibang lugar naman ay nagpa "fireworks display". Hindi nawawala sa ating mga Pilipino ang pagiging maalalahanin, kahit pa sa mga kasama nating yumao na.

2 comments:

  1. It is a Filipino culture,indeed it's more fun in the Philippines...This is a useful information ;)

    ReplyDelete

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...