Saturday, 10 November 2018

Paano ang tamang pagsusuot ng surgical mask?

                               Image source

Lahat tayo ay pamilyar na sa 'surgical mask', ngunit minsan ay may napapansin akong baliktad ang pagkakasuot nito. Kahit ako ay naging biktima na din ng pagkalitong ito. Nakakahiya nga noong nagtatrabaho ako kasi baliktad yung pagkakasuot ko. Required kasing magsuot ng mask dahil nga sa food industry ako. Kailangan magsuot ng mask para maiwasan ang kontaminasyon sa pagkain. Para maiwasan ang ganitong mga pangyayari ay ating alamin ang tamang paggamit nito.

Paano nga ba ang tamang pagsusuot ng surgical mask? Ang surgical mask ay may dalawang side, ito ay ang white at blue side. Masusuot mo ito sa isang pamamaraan lamang. Ang blue na side ay liquid repellant, ito ay upang maiwasan ang mga fluids na mapunta sa iyong ilong. Isinusuot ito sa labas.
Yung white side naman ay dinesenyo upang i-absorb ang mga ini-exhale natin na fluids. Ito ay para maiwasan ang pagka-kontamina ng fluids na galing sa atin sa outer side ng mask.

Mahalagang malaman natin ang paraan ng paggamit nito upang makuha natin ng sapat ang benepisyong dulot nito.

1 comment:

  1. Salamat dahil ibinahagi mo sa nakakarami ang proper way of wearing safe masks. Maging safe po sana tayong lahat! N95 Face Masks Philippines

    ReplyDelete

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...