Tuesday, 20 November 2018
Kalokohan sa loob ng silid-aralan
Balikan natin ang mga kalukuhang ating pinagagawa sa ating silid aralan. Maraming mga kabubuhan at kapalpakan ang bawat isa na nagawa at sadyang ginagawa, may mga katatawanan, mayroon namang nagkakapikonan. Isang halimbawa nito ay ang pagtawag ng math teacher niyo at ipinapa solve ang problema ng x sa iyo. Hindi ka pa nga tumatayo sa silya mo nangangatong kana sa kaba at sa problemang sagot. At kapag nakasagot kana at mali ang sagot mo,tatawanan ka ng mga kaklase mo, aastang mas marunong pero bobo din naman pala.
At sa mga pagkakataong may mga trip sa iyo sa loob ng kaklase, ng kung ano anong mga bagay. Gaya ng paglalagay ng palaka ,ipis sa loob ng iyung bag, upang sa pag bukas ng kaklase mo magulat siya at makasapak ng katabi ang may gawa. Masaya ang mga karanasan ko sa loob ng aming silid aralan. Sa tuwing examination namin animo'y congressman makabati at maka lunod, mabigyan lang ng sagot. Paminsan kung hindi na talaga mapigil, kukunin ang nakatagong cellphone na nasa loob ng palda at, dahil sa sobrang katangahan nahulog ito. Buti nalang nga CR ang guro dahil kung hindi , hindi lang 3 sapak at bulyaw ang matatanggap nito sa mga katabi.
Ito ay isa lamang sa mga kaganapan sa siliod aralan namin. Noong fourth year hihgschool palamang ako, may ibat-ibang personalidad na mayroon ang mga kaklase may mataray, sipsip, libakera, palengkera,ambisyosa at feelingera. Pero kahit ganoon, ang saya namin lalong-lalo na pag-kasama ang mga kaibigan bonding na puro katatawanan at hindi iniindan ang problema sa tuwing nagkakatuwaan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?
Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...
-
Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...
-
Image source Lahat tayo ay pamilyar na sa 'surgical mask', ngunit minsan ay may napapansin akong...
No comments:
Post a Comment