Ang simbahan ay lugar ng
pagdarasal at pagsamba sa Diyos. Pero hindi natin maiwasang madismaya sa ibat-
ibang klase ng tong nasa loob nito lalo na kapag may misa at mapapailing at
mapapaisip ka na lamang sa mga nakaktwang pangyayari sa kalagitnaan ng
misa.Katulad na lamang bago magsimula ang misa, habang naghihintay sa pari, ay
biglang eeksena ang mga mapaglarong mata at mapaghusgang bibig. At sa oras ng
misa at imbis na pakinggan ang pari, ay nag uusap usap ang mga nasa misa at ang
mga dalaga at binata naman ay nagliligawan.
Kaya minsan ay nasasabi ko, pangit
mang pakinggan, “nakakatamad magsimba dahil dito” pero nasasabi ko rin na wag
na lamang silang pansinin dahil di naman sila ang aking pakay kundi ang
paghingi nang tawad sa mga nagawng kasalanan at pagpapasalamat sa biyayang
natanggap.
Dahil dito ay nagkakalakas ako ng
loob at gusto ko rin na magsimba pa rin
dahil sa katotohanang mayroon pa ring mga tunay na sumasampalataya sa loob ng
Simbahan.
No comments:
Post a Comment