Masasabi ko na sila ang ating
pangalawang magulang dahil sila ang gumagabay sa atin para gumawa ng tama at
iwasan ang mali.
Di lahat ng guro ay may ganitong
pag uugali dahil may mangilan ngilan na imbes na tulungan ang estudyanteng
napapariwara ng landas ay hindi nila ito binibigyang pansin. Mayroon namang
ibang guro na bukas palad kung tumulong sa abot ng kanilang makakaya sa
pamamagitan ng pagtuturo ng magandang asal at wastong paggabay at pagbabantay
sa progreso ng estudyante na halos kapantay na ng pagiging isang tunay na
magulang.
No comments:
Post a Comment