Tuesday, 20 November 2018

Personalidad o Pagkatao ng Indibidwal

`

Paano nga ba natin masasabing ang pagkatao ng isang indibidwal ay talagang siyang tunay na personalidad mayroon ito, o sadyang pinagtatakpan lamang ng sarili upang igaya ang mata ng iba sa nakakalitong pag-uugali mayroon ang tao. Sa ating pang araw-araw na pag-uugali madalas nating mapuna ang pagkakaroon ng pabago-bagong asta ng isang tao sa kanyang personalidad o pagkatao. 

Isa sa mga dahilan nito ay ang impluwensya ng ibang tao sa isa pang indibidwal. Ang impluwensya ng iba ay kalakhang epekto sa personalidad meron ang tao dahil ang kinagisnan ng bawat isa ang nababago o sadyang  sapilitang binabago  sa pamamagitan ng impluwensya ng karamihan o indibidwal. 

Sa kadahilanang ito ang naiimpluwensyahan ay mas nalilito sa kung ano ba talaga siya at kung sino ba ang tunay na siya, kalimitan ang ganitong pangyayari ay nagbubunga ng kawalang kompiyansa sa sarili ng isang tao. Kung mapapansin ang ganitong sitwasyon mayroon ang karamihan. Pilit na binabago ang tunay na sila kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao o personalidad mayroon sila, ang ganitong sistema ay patuloy paring umuusbong hanggang sa paglipas ng panahon. Paghanap at pagtanggap sa sarili ang siyang susi sa suliraning ito.

Dahil kung ang mismong kalooban mo ay hindi tanggap ang nais mo, hinding-hindi mo matutukoy ang tunay na pagkatao mayroon ka. Sa kabilang banda patuloy na lalaganp sa iyong  pagkatao ang pag-uugali na talikwas sa iyong tunay na pagkatao, tanging pagtanggap sa kung sino ka bang talaga.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...