Tuesday, 20 November 2018
Takbo ng Buhay
Sa bawat yugto ng ating buhay may ibat-ibang pangyayaring nagaganap, kadalasan mayroong paghihirap, kalungkutan, paghihinagpis, at syempre mayroon ding kagalakan. Bagamat ang mga ito ay likas na sa ating katauhan, may mga tanong pa rin na namumutawi sa aking isipan, gaya ng "Ba't lahat ng paghihirap binuhos ng langit sa akin?", "ako na ba ang pinaka nakaka-awa at malas na tao dito sa mundo?". Ito ay ang mga halimbawa ng mga ekspresyon na bawat tao. Kung iisipin din lang ng mabuti, halos lahat ng mga sambit at hiyaw ng tao ay tungkol sa mga paghihirap at paghihinagpis na siyang binibigyang daan tungo sa kawalang moral sa kung ano ba talaga ang buhay at kung paano ito gumalaw, magsimula. at magtatapos.
Ang takbo ng ating buhay ay dumidepende sa ating mga sarili kung hahayaan nating makulong ang ating sarili sa "dilim" o tatakasan ito upang makita ang liwanag na siyang hiyaw ng ating katauhan. Aminin man natin o hindi, ang takbo ng ating buhay ay hindi subok o hindi natin ito hawak. Bagamat ito'y hindi literal, nasasaatin parin ang desisyong makapagbabago nito.
Gaya ng kasabihang "ang buhay ay parang gulong, ito'y iikot hindi lamang kung saan nagsimula at kung saan magtatapos. Gaya ng pagsakay sa dyip, hihinto lamang ito kapag sinasabi mong para o sa isang hudyat na ikaw ay sawa na at suko na sa takbo ng iyong buhay. May mga iilan ring masaya sa kung anong buhay meron sila, ngunit hindi lahat ng ngiti o halakhak na ipinapakita nila ay totoo. May tao kasu na sa halip na indahin ang pagsubok ng kanilang buhay mas pinipilit parin nila maging matatag minsan ay nagiging marupok.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?
Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...
-
Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...
-
Image source Lahat tayo ay pamilyar na sa 'surgical mask', ngunit minsan ay may napapansin akong...
No comments:
Post a Comment