Tuesday, 20 November 2018

Sa Likod ng Saya


Para sayo ano ang kahalagahan ng pagiging masaya. Ito ba ay may kalakip na kalungkutan o sadyang ipinaranas lang sa iyo. Masasabi ko na sa pamamagitan ng saya napapagtakpan nito kung ano ang mayroon ka. Sa pamamagitan din nito nalilimutan mong mayroon kang problema, kahit na panandalian lamang. 

Kahit na alam mo na ang sayang ito ay natatakpan lamang ng lungkot o problema. Ibinabaling natin ang ating atensyon sa ibang bagay  para mawala ang lungkot o problemang dinaramdam,  at para mapalitan ito ng saya. Hindi mo masasabi na lubos kang masaya, dahil may pag-aalinlangan ka.

Ganyan tayo, natututo o nagkukunwari sa isang bagay na di naman tayo. Ngumingiti kahit na may dinaramdam, Nasasabi natin sa iba na "okay lang" kahit hindi naman. Dahil ayaw natin na ipakita sa iba ang kahinaang mayroon tayo.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...