Saturday, 10 November 2018

Libingan sa Ilalim ng Lupa

                               Image source

Ang topic natin ngayon ay tungkol sa isang libingan na nasa ilalim ng lupa. Pamilyar ba kayo sa catacombs sa Paris? Ang "catacombs ay isang underground ossuary kung saan ito ay naglalaman ng mga namatay na tao. Ang libingang ito ay dating minahan.

Bakit nga ba nagkakaroon ng ganitong libingan? Itinayo ito dahil sa nagdadamihang mga sementeryo sa Paris. Malamang ay sumisikip na ang mga siyudad dahil sa mga sementeryong nakatayo doon. Malamang ay ito ang dahilan kaya naisipan ng mga Parisians na magtayo  ng isang catacomb. Ang catacomb na ito sa Paris ay naglalaman ng milyon-milyong piraso ng mga bungo at buto. Maayos itong nakasalansan at nakadikit sa pader ng libingan, Nagmimistula ang libingang ito na museleyo ng mga bungo ng tao.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...