Tuesday, 20 November 2018

Dalagang Ina



Marami sa panahong ito ang nawawalan ng landas. Maaaring dahil sa pagkakaroon ng personal na problema o pang pamilya. Maaari ding dahil sa kinalakhang pag-uugali o asta ng nasa paligid. Ang pagiging dalagang ina ay hindi masama, ngunit dapat na isaalang-alang ang kahalagahan ng suliraning sinimula. Bagamat masasabi nating ang ganoong sitwasyon ay napakahirap gawin, alalay sa sarili't disiplina ang gagabay sayo upang ilaban ang pangarap na layong, inaabor ng puso't isipan. Karamihan iniisip na ang dalagang ina ay wala ng laban sa buhay. Yaon bang mga taong walang pangarap sa buhay.

Ito ay ang ilan lamang sa mga agam-agam ng tao patungkol sa mga dalagang nabubuntis at naging ina. Kung aaminin lahat ng pagtingin ng mga tao sa mga dalagang ina, ay puro negatibo, dahil hindi nila pinahahalagahan kung ano ba talaga at kung sino ba talaga at kung ano ang halaga nila. Dahil ang mata ng mga taong ganito mag-isip ay pinagtutuunan lamang ang kabigyang magagawa ng isang tao.

Kahit na ganito,marami parin sa mga dalagang ina ang lumalaban at pilit na binabangon ang dignidad na tinatapakan ng mga taong bulag sa karimlan ng kanilang pagkatao. Kung isa ka sa  libo-libong d alagang ina na lumalaban, sumusuko at tuluyan ng isinuko ang kaqnilang laban. Ang pagkaroon ng mabuting katauhan at matibay na paninindigan ang magtatayo sa iyo upang magpatuloy sa yugto ng buhay. Dahil ang mga agam-agam ng iba ay sadya lamang upang maglubog ng iyong pagkatao. Alalahanig lahat tayo ay may karapatan sa lahat ng bagay at hindi lahat ay may malinis na kamay upang manira.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...