Tuesday, 20 November 2018
Fiesta ng Pinoy
Ang Pistang Pinoy ay masaya may salo-salo, kantahan at inuman. Minsan nga kahit na malayo ang Fiesta dinadayo ito makakain lang ng marami, dahil iyon tayong mga pinoy parang walang kinakain.Kapag nasa mesa na may tension sa bawat isa, akala mo mauubusan ng adobong baboy na puno ng mantika.
Mayroon ding mga eksina, dahil sa gusto mong makakain ng marami di mo namalayang punong puno na ang iyong bunganga ng pagkain at bigla kang nabulunan sabay sabi ng katabi mo na ''ayos ka lang? '' Hinay-hinay lang kasi napaghahalataan ka ''. Ang ganoong mga eksina ay talaga namang nakakahiya. Pero aminin natin pag lumabas tayo ng bahay parang puputok yong tiyan sa kabusugan at tatawagin pa si kumare sasabihing '' mare isupot mo nalang uuwi na kami'' may pa take out kapa ang luko, kunwaring uuwi na raw? Yon pala lilipat lang sa katabing bahay para makahingi uli ng take out '' ano to ginagawang jollibee may pa take out pa si kuya'' Pag tinawag ng kumpare , sabay sabing '' pare halika muna tumagay ka'' na papa atras at iisiping ''hala! patay! hindi ako makakarami nito'', ano ba naman yan kuya/ate talaga bang piyesta ang pinuntahan mo o fast food chain o restaurant makadala ka ng supot na puno ng ulam.
Parang kagagaling lang sa buffie ah! Iyon ang mga pangyayari hindi ikakaila ng karamihan nating kababayan. Ngunit sa ganoong aspeto patuloy parin tayong nagiging maunlad at masatahing mamamayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?
Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...
-
Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...
-
Image source Lahat tayo ay pamilyar na sa 'surgical mask', ngunit minsan ay may napapansin akong...
No comments:
Post a Comment