Thursday, 22 November 2018

Torpe ka!


Sa pagdaan ng panahon,kahit na sibilisado na ang buhay ng tao kaysa noon. Hindi pa rin nawawala ang ganitong klaseng tao na kung tawagin natin ay torpe. Sa totoo lang, sa makalumang panahon mayroon din nito na hanggang ngayon mayroon parin.

  Pero sa kabila nito,hindi ko mawari kung bat ako natatawa sa ganitong klaseng tao.Umuurong sulong at hindi makapag-salita ng maayos,in short hindi makporma sa taong gustong pormahan.Ang tawag ko ditto sa kanila ‘’cha-cha’’ dahil sa uurong sulong kung ano ang gagawin at ‘’longganisa’’ naman dahil puputol kun magsalita,weird  pero nakakatawa.

Mayroon akong kilalang ganitong klaseng tao. Naalala ko pa noon,nagpatulong siya sa kaibigan ko kung paano niya liligawan ang taong gusto niya. Ayon na nga,tinulungan siya kung papaano.Pero ano ang resulta,gusto niyo bang malaman? Ganito ang payo ng kaibigan,na sabihin mon a kung ano ang dapat.Heto, binigyan agad niya ang babae ng bulaklak na di niya naman alam na may allergy ito sa buhay na rosas.Kung nakipagkilala siya muna kaysa umaksyon hindi hahantong sa pangit na nagawa.Dahilan pa nga niya ‘’pre..it’s better an action than words’’,yon lang? pero ang sunod na nangyari imbis na itapon ang rosas n babae sa trash can,naitapon tuloy ito sa kanya. Dahilan para dumikit sa balat ng mukha ang mga tinik nito at dahil narin sag alit at pagkadismaya ito. At ang mas malupit pa,sabay talikod ng babae naapakan niya tuloy ang balat ng saging,dahilan para matumba at mahawakan ng popo ng aso sa gilid ng daan.

Ang saklap talaga,wala talagang tatalo sa venue ng pagpopormahan.At hindi pa nasasabi ang tuay na nararamdaman,napagsalitaan pa ng kung ano-ano. In short NABASTED. Noong nalaman ko iyon wala akong tigil sa kakatawa,dahil epic fail,torpe na nga,nabasted pa.
Pero kahit na may iilan nataong ganito. Sila pa yong taong totoo. Hindi naman lahat,dahil may iilan pa ring hindi totoo.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...