Tuesday, 20 November 2018

Kaibigan



Ang kaibigan ay sandalan tuwing may kalungkutan at kasayahan. Pero minsan siyang karamay sa kalokohan. May iba't-ibang uri ng kaibigan, mayroon tipong kaibigan kung sabihin pero traydor naman. Mayroon din namang mga kaibigan na nasa tabi mulang kung may pera ka o yong tipong kaibigan ginagawa ka lang ATM machine, Kaibigan lang pag may pangangailangan sila sa iyo. May mga kaibigan din naman akala mo tunay dahil  ang ganda ng samahan niyo, hanggang simula ngunit nawala kalang ng isang sandali nagulantang kana lang na ang sikreto mo ay kumakalat na pala  sa mga kaklase at kakilala mo.

Mayroon din namang kaibigan talagang maasahan bagamat hindi bawal sandali palagi naman siyang nasa tabi mo upang tulungan at pasayahin ka kung sa dinadami ng mga kaibigan mo masasabi mo bang isa sa kanila ang tunay na kaibigan . Kung tingin mo lahat  kaibigan mo ay talagang trato, kahit hindi naman.

Kung mapapansin halos lahat tayo ay may pagkakatulad sa ating tinatratung kaibigan ay hindi lang talaga natin inaamin ay ang sa halip na maging totoo ay mas ginagatungan pa natin ang ating sarili kaya hindi  tayo nalalayo sa pagtingin natin sa ating mga kaibigan. Tandaan na ang pagtingin mo sa iyong kaibigan iyon din ang iyong pagkataong tinatago ng iyong tunay na katauhan.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...