Sadyang nakakapagtataka kung
nawiwili ng iba sa larong ito. Kahit na bata matanda nawiwili dito. Sadya bang
nakakaadik ang larong ito o pampalipas oras lang.
Minsan napapansin ko ang ibang
kabataan na imbes na pumasok sa
paaralan, sa computer shop ang lusot. Minsan pa nga imbes na unahin na kumain
ay pinipiling maglaro na lang. sabi pa nga ng iba “Hindi niyo alam
ang pakiramdam ng naglalaro nito”. Pero isa lang ang epekto nito,
napapabayaan ang sarili at ang mga taong
malalapit dito.Hindi nila alam na ang perang nagagasta nila ay nasasayang nila dito.
Masaya lang sa umpisa, pero dapat maisip na walang katuturan ang ganitong
gawain.
Sa kabila ng lahat, marami pa ria
ng may ayaw dito dahil sa masamang epekto nito.
No comments:
Post a Comment