Sunday, 11 November 2018

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pagtulog?

                               Image source


Nung una ay binabalewala lang natin ang pagtulog. Masyado tayong nagiging abala sa pagtatrabaho, na minsan ay nakakaligtaan na natin ang matulog. Hindi pa natin alam noon na ang labis na pagpupuyat ay nakakasama sa ating katawan. Ganito din ako minsan, college student kasi kaya kailangan mag study kahit pa ‘wee hour’. Madalas akong sipunin lalo na kapag nagpupuyat ako.

Ayon sa verywellhealth, ang maayos daw na pagtulog ay may benepisyong makukuha. Isa na dito ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Sa pagtulog kasi ng 7-9 na oras ay napapanatili nito ang maayos na pagtibok ng iyong puso. Dito ay naiiwasan ang paglala ng 'high blood pressure' at 'cholesterol'.

Sa pagkakaroon ng maayos na pagtulog tayo ay nagiging alerto. Pinapataas kasi nito ang ating 'energy level' sa umaga, dahilan upang tayo ay maging 'energetic'. Ang maayos din na pagtulog ay nakakatulong upang ma-improve natin ang ating memorya. Sa pagtulog kasi natin ay nagiging busy ang utak natin sa mga bagay na ginagawa natin sa araw-araw. Kinokonekta ng utak natin ang mga pangyayari dahilan para magkaroon tayo ng magandang memorya. 

Nakakatulong din ang maayos na pagtulog sa pagre-repair sa ating katawan. Sa pagtulog kasi natin, ay mas nagpo-produce ang cells natin ng mga proteins. Ang protinang ito ang nagsisilbing 'building blocks' ng mga 'cells'. Ito ang dahilan upang ma-repair ang mga nasira sa ating katawan.


No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...