Thursday, 22 November 2018

Kapag kasama ang mga kaibigan


Iba ang dulot na saya kapag kasama mo ay iyong kaibigan o barkada. Dahil nararanasan moa ng kakaibang saya kapag kompleto kayo. Pero minsan, nararamdaman mong, nagsasawa ka sa kakatingin mo sa mukha nila. Para bang nanunuya, pero kapag naramdaman mong gusto mo silang makita parang binabawi mo na ang sinabi mo.

Masaya talaga pag kasama mo ang iyong kaibigan. Hindi iyong kaibigan, magkaibigan magkaiba yun. Dahil kapag nagkakayayaan na meron at meron talagang isa o dalawa sa inyong grupo na mapapagastos. Lalo na kapag roadtrip o foodtrip. Pamilyar talaga tayo sa linyang ito. At alam ko maraming matatamaan dito. “Pwede bang libre lang muna kasi wala akong pera.” At heto naman kayong mga kaibigan, ililibre si friend dahil gustong isama sa lakad.

Ganito kung sadyang ganito ang samahan ng barkada. Pero kahit na ganoon. Iba pa rin ang saya, lunkot at kalokohan ang dulot nito pagkasama natin sila. Sabi nga that’s what’s friends are for.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...