Saturday, 10 November 2018

Saan ba nagmula ang konsepto ng 'Creepy Pasta'?

                               Image source

Noong maliit pa lamang ako ay madalas akong magbasang magasin na pina-publish dati ng Nginiig. Base ito sa palabas na mapapanood sa isang tv network. Naglalaman ang magasin na ito ng nakakakilabot na kababalaghan. Katulad ito ng mga kumakalat ngayon sa internet na mga creepy pasta.

Ano nga ba ang 'Creepy Pasta'? According to Wikipedia, these are horror-related legends or images that have been copied ang pasted around the internet. Ito ay kadalasang maiksi at ginawa lamang upang takutin ang mga mambabasa. Naglalaman ito ng mga nakakakilabot na kwento ng pagpatay, pagpapakita ng mga kaluluwa, at iba pang mga kababalaghang nangyayari sa mundo. Isa sa mga sikat na kwento dito ay ang "The Slender Man".


Nagsimula akong magbasa ng creepy pasta noong nabanggit ito sa akin ng kapatid ko. Dito kasi siya kumukuha ng mga iginu-guhit niyang nakakatakot na larawan. Nung iginuhit niya si slender man ay dito ako  nagkaroon ng interes sa pagbabasa ng creepy pasta. Nagmula ang creepy pasta sa malilikot na imahinasyon ng mga tao, ngunit ang eksaktong pinagmulan nito ay hindi pa rin natutukoy.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...