Sa pagsapit ng Pasko o Bagong Taon
likas na sa ating mga Pinoy ang salubungin ito sa pamamagitan ng pagpapaputok
at ibat ibang klase ng pailaw.
Ang iba ay bumibili na kahit na
malayo pa ang Pasko at Bagong Taon sa paniniwalang nagbibigay ito ng swerte at
kasaganaan at nakakapagtanggal ng mga malas dahil sa naidudulot nitong ingay na
nakakapagpataboy daw ng masamang espirito. Di natin alam na may masama rin
itong naidudulot. Unang una na dito ay ang mga naaksidente dahil sa mga paputok
na nagreresulta minsan sa pagkawala ng buhay at ari arian dahil sa mga sunog.
Maiiwasan sana ito kung sasanayin
ng mga tao ang kanilang sarili na gamitin ang mga paputok at pailaw sa wastong
paraan ang mga nasabing bagay dahil di maitatanggi na nakakapagdulot ito ng
kakaibang saya sa mga taong nakakasaksi nito.
No comments:
Post a Comment