Monday, 12 November 2018

Ano ang pagkakaiba ng Pancit Malabon at Pancit Palabok?



Mahilig tayong mga Pilipino sa pagkain ng meryenda: halo-halo, turon, ginataan, at marami pang iba. Isa na dito ang paborito nating pancit malabon at pancit palabok. Noong maliit pa lamang ako ay mahilig kaming magmeryenda ng pancit palabok ng mga kapatid ko. Kapag nagsisimba naman kami ng aking pamilya ay bumibili kami sa labas ng pancit malabon. Nakakapagtaka ang pagkakapareho ng dalawang pancit na ito. Pareho sila ng kulay, maging ang lasa.

Saan nga ba nagkakaiba ang Pancit Malabon at Pancit Palabok? Ang Pancit Malabon ay malalaki ang 'noodles'. Nakahalo na mismo ang sauce sa 'noodles'nito. Ito ay kadalasang may toppings na hipon o di kaya ay pusit. Masarap siyang saluhan ng tinapay na walang palaman. Madalas namin itong kainin ng pamilya ko pagkatapos magsimba. 




Ang Pancit Palabok naman ay maliliit ang 'noodles' hindi katulad ng sa pancit malabon. Kumpara sa pancit malabon, ang sauce nito ay naka-toppings lang sa taas. Ang kadalasang toppings nito ay chicharon, giniling na baboy, at itlog.





No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...