Thursday, 22 November 2018

Paskong Pinoy


Masaya ang paskong pinoy, dito sa pinas. Kanya-kanyang handaan,kabi-kabilang sayawan at kantahan. May mga batang namamasko sa iba't ibang bahay,kumakanta,minsan sinasabayan pa ng pag indak, iyon pala dalwang peso lang ang binigay. Nakakdismasya man pero ang saya parin, may mga nagrerequest pa nga ng kanta gaya ng ''pusong bato, nanghihinayang at kung ano ano pa'',''may problema si kuya, imbes kasi na mga kantang pang-pasko, pang-halloween at pang-hearthbroken, ang nirerequest, buti sana kung nagibigay ng 50 pesos.

Pagsapit ng pasko,pagka umagahan kabilis bilis lumakad,ang sadya lang pala ay si Ninong. Hindi pa nga nakakapag-sipilyo,nakapila na ang labing walo niyang mga inaanak. At heto ka naman makikipagplastikan kay Ninong babatiin ng''kumusta'' na ang ibig sabihin ay ang paghahanda ng regalo pra sa iyo at ang pag-mano kay Ninong na nangangahulugan ng dagdag isang daan na binigay ni Ninong kahapon.

Samo't saring paandar mayroon tayong mga Pilipino, kanya-kanyang handaan at pa bonggahan,pag tapos na ang kainan. Samo't sari din ang utang . Kaya naman si nanay kamot sa ulo na animo'y may balakubak na hindi matanggal,dahil sa problemang paano niya mababayaran ang utang sa 5.6 . Na syang ginamit sa regalo sa mga inaanak at ang bonggang handaan.

Dahil iyan ang nakasanyan nating mga pinoy, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon tayo ay na nanatiling matatag at palaging nakangiti.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...