Thursday, 22 November 2018

Inspirasyon


May kanya-kanyang inspirasyon ang bawat indibidwal,mayroon yong iba si crush,pamilya at ang sarili. Sa mga pagdaan ng mga panahon mas ginugusto nating maging inspirasyon ang ating kapareha o iyon bang mga crush natin na maka stalk ka,  akala mo naman talagang malalaman mo kung ano ang mga pinag-gagawa nila araw-araw. Binibilang ang mga post sa social media,may ma pagkakataon pa nga pati pagpikit ng aknyang mga mata binibilang mo pa.

Mayroon din namang ibang ginagawang inspirasyon si teacher,papasok kunwari araw-araw buong araw lang pala kay teacher ''Ang plastic at ang bobo ni ateh!'' tapos pagtinawag ka tungkol sa topic bigla kang tatayo yon naman pala walang ideya sa kung ano ang isasagot,mayroon din namang mas gustong gawing inspirasyon ang sarili at ang kanilang sarilli,dahil mas iniisip nila kung anong sitwasyon ba talaga at kung ano ba talaga ang tunay na pagpapakahulugan ng inspirasyon.

Sa lahat ng aspeto ,hindi naman masama ang pagkuha o ang pagkaroon ng inspirasyon, basta't ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng control sa sarili at kalinawan sa sarili at kalinawan sa kaisipan upang makita ang panghuhugutan ng lakas upang gawing panangga sa kinahaharap na tunay na sakuna.

No comments:

Post a Comment

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...