Thursday, 22 November 2018

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?


Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog?
Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabangan sa paggawa ng ibat ibang produkto tulad ng muebles, langis, atbp.

Saan nanggaling ang Tuba?

Ang inumin na ito ay sikat sa lalawigan ng Leyte at mga karatig na lugar. Ang tuba ay mula sa dagta ng punong palma sa Timog Indya kung saan tinatawag itong “bawok” o mas kilala sa tawag na Barok.

May maganda bang naidudulot ang pag inom ng Tuba?
Hati ang opinyon ng marami kung nakakabuti o nakakasama ba ang pag inom nito ngunit marami na ang makakapagpatunay na mabuti ito upang mabawasan ang tiyansang magkaroon ng sakit sa puso.

Kojic


Sino ba ang may ayaw sa maputi at makinis na kutis? Pero wala ka talagang magagawa kung talagang hindi na tinatanggap nang iyong balata ng kung anu-anong pampaputi na pinapahid sa kadahilanang likas na ang pagiging kayumanggi.
Sinasabi natin minsan na may pag asa pa na puputi at ng makagamit kang kojic ay nahanap mon a ang solusyon sa matagal mo ng prinoproblema. Nakakatawa mang pakinggan ay totoo naman,, haaayy.. ewan ko lang.

Marami sa atin na sa kabila ng katotohanan na talagang hindi lahat ng produktong nakakapagpaputi daw ay epektibo ngunit patuloy pa rin natin itng tinatangkilik kahit na tila yata imposible na sa katulad ko na pumuti pa. Kumbaga, mauuna pa yatang pumuti ang uwak kaysa sa akin

Paputok


Sa pagsapit ng Pasko o Bagong Taon likas na sa ating mga Pinoy ang salubungin ito sa pamamagitan ng pagpapaputok at ibat ibang klase ng pailaw.

Ang iba ay bumibili na kahit na malayo pa ang Pasko at Bagong Taon sa paniniwalang nagbibigay ito ng swerte at kasaganaan at nakakapagtanggal ng mga malas dahil sa naidudulot nitong ingay na nakakapagpataboy daw ng masamang espirito. Di natin alam na may masama rin itong naidudulot. Unang una na dito ay ang mga naaksidente dahil sa mga paputok na nagreresulta minsan sa pagkawala ng buhay at ari arian dahil sa mga sunog.

Maiiwasan sana ito kung sasanayin ng mga tao ang kanilang sarili na gamitin ang mga paputok at pailaw sa wastong paraan ang mga nasabing bagay dahil di maitatanggi na nakakapagdulot ito ng kakaibang saya sa mga taong nakakasaksi nito.

Guro


Masasabi ko na sila ang ating pangalawang magulang dahil sila ang gumagabay sa atin para gumawa ng tama at iwasan ang mali.

Di lahat ng guro ay may ganitong pag uugali dahil may mangilan ngilan na imbes na tulungan ang estudyanteng napapariwara ng landas ay hindi nila ito binibigyang pansin. Mayroon namang ibang guro na bukas palad kung tumulong sa abot ng kanilang makakaya sa pamamagitan ng pagtuturo ng magandang asal at wastong paggabay at pagbabantay sa progreso ng estudyante na halos kapantay na ng pagiging isang tunay na magulang.

Mahilig sa facebook


Kabilang ka ba sa milyung-milyong taong nahuhumaling sa facebook? Masasabi ko rin na may maganda at masamang naidudulot ito sa tao.

Ang mga magandang naidudulot nito ay naipapahayag natin ang ating mga saloobin.nakakausap natin ang iba kahit malayo at nagkakaroon tayo ng mga bagong kaibigan, at naipapakita ang mga produkto para ito ay tangkilikin. Ang mga pangit namang epekto nito ay sobrang adiksyon at madaliang pagkalat ng mali at mga nakakalitong impormasyon na alang saysay.

Sadyang makapangyarihan ang teknolohiyang ito kaya nararapat lmang na matuto ang taong gamitin ito sa mabuting paraan at sa ikauunlad ng bayan.

Tsismosa kong kapitbahay


Hindi maiiwasan ang mga ganitong klaseng tao kahit na saang lupalop ka pa mkarating ay may tsismosa pa rin. Kahit na umaga pa lang, imbes na atupagin ang mga gawaing bahay ay mas inuuna pa rin ang mga tsismis na galing sa mga kapitbahay. Mabuti sana kung nakakatulong ito ngunit kadalasa ay nagdudulot pa ito ng paglala ng mga alitan.

Sa kabila nito, hindi mo pa rin  maiwasan na matawa o mainis. Dahil alam mon a sadyang may mga tao na pinanganak ng ganito.

Sa Loob ng Simbahan


Ang simbahan ay lugar ng pagdarasal at pagsamba sa Diyos. Pero hindi natin maiwasang madismaya sa ibat- ibang klase ng tong nasa loob nito lalo na kapag may misa at mapapailing at mapapaisip ka na lamang sa mga nakaktwang pangyayari sa kalagitnaan ng misa.Katulad na lamang bago magsimula ang misa, habang naghihintay sa pari, ay biglang eeksena ang mga mapaglarong mata at mapaghusgang bibig. At sa oras ng misa at imbis na pakinggan ang pari, ay nag uusap usap ang mga nasa misa at ang mga dalaga at binata naman ay nagliligawan.

Kaya minsan ay nasasabi ko, pangit mang pakinggan, “nakakatamad magsimba dahil dito” pero nasasabi ko rin na wag na lamang silang pansinin dahil di naman sila ang aking pakay kundi ang paghingi nang tawad sa mga nagawng kasalanan at pagpapasalamat sa biyayang natanggap.
Dahil dito ay nagkakalakas ako ng loob at gusto ko rin  na magsimba pa rin dahil sa katotohanang mayroon pa ring mga tunay na sumasampalataya sa loob ng Simbahan.

Epekto ng DOTA


Sadyang nakakapagtataka kung nawiwili ng iba sa larong ito. Kahit na bata matanda nawiwili dito. Sadya bang nakakaadik ang larong ito o pampalipas oras lang.
Minsan napapansin ko ang ibang kabataan na imbes na pumasok  sa paaralan, sa computer shop ang lusot. Minsan pa nga imbes na unahin na kumain ay pinipiling maglaro na lang. sabi pa nga ng iba “Hindi niyo  alam  ang pakiramdam ng naglalaro nito”. Pero isa lang ang epekto nito, napapabayaan ang sarili  at ang mga taong malalapit dito.Hindi nila alam na ang perang nagagasta nila ay nasasayang nila dito. Masaya lang sa umpisa, pero dapat maisip na walang katuturan ang ganitong gawain.

Sa kabila ng lahat, marami pa ria ng may ayaw dito dahil sa masamang epekto nito.



Kapag kasama ang mga kaibigan


Iba ang dulot na saya kapag kasama mo ay iyong kaibigan o barkada. Dahil nararanasan moa ng kakaibang saya kapag kompleto kayo. Pero minsan, nararamdaman mong, nagsasawa ka sa kakatingin mo sa mukha nila. Para bang nanunuya, pero kapag naramdaman mong gusto mo silang makita parang binabawi mo na ang sinabi mo.

Masaya talaga pag kasama mo ang iyong kaibigan. Hindi iyong kaibigan, magkaibigan magkaiba yun. Dahil kapag nagkakayayaan na meron at meron talagang isa o dalawa sa inyong grupo na mapapagastos. Lalo na kapag roadtrip o foodtrip. Pamilyar talaga tayo sa linyang ito. At alam ko maraming matatamaan dito. “Pwede bang libre lang muna kasi wala akong pera.” At heto naman kayong mga kaibigan, ililibre si friend dahil gustong isama sa lakad.

Ganito kung sadyang ganito ang samahan ng barkada. Pero kahit na ganoon. Iba pa rin ang saya, lunkot at kalokohan ang dulot nito pagkasama natin sila. Sabi nga that’s what’s friends are for.

College Life


Ako po si bell college student. Nag-aaral sa Evsu. Aga-aga pa nag aasikaso agad sa pagpasok kasi palagi akung late kaya ayaw kunang ma late. Pagdating  sa University namen sa intrada palang ng gate makikita mo sa mukha ko na parang nanalo ng meg jackpat sa loto, parating masaya at dyan agad si manong guard parating bumabati sayp ng MISS BEAUTIFUL GOOD MORNING . Oh ha para ka dibang nanalo ng mega jackpat sa loto. HA….HA..HA.HA.HA..HA…..

Pagdating mo sa silid aralan dimo alam wala palang pasok kasi dika nakarecieve ng text ng mga kaklase  mabuti nalang may pantawag ka. Isa sa mga kaklase mo tinatawagan mo tinatanong mon a kung mayroon pasok wala daw. Eh ikaw naman gala lang wala sayo . Inayaya mo yung kaklase mo mag-inuman syempre ikaw ba naman na may baon parate ng malake seseguraduhin mong masaya ang araw mo. Nag-inuman na kayo ng mga kaklase mo eh diba masaya mga kalokohan uma-andar nanaman. Hala go lang ng go sa mga kalukohan. Dimo namalayan ang oras alas 5 na pala. Agad-agad ka agad umuwi kasi pagagalitan ka ng mama mo na strikta at yun na nga sinasabi ko .Pagdating mo sa bahay niyo dun na yung mama mo at na amuyan ka na amoy alak ka at pinagalitan kana nga.
Pagkinabukasan ikaw ay humihingi ng baon sa mama mo ikaw ay na joyup yung ina akala mong Malaki-ibibigay sayo ay 100 pesos lang. hahahahaha……….natawa ka sa sarili mo. Kaya nakapagtanto sa sarili ko na dina ako gagala ulit kasi nagagalit si mama. Ang sakanya lang naman makapagtapos ako sap ag-aaral dahil di lahat ng oras nasa tabi ko sila. Kaya magtatapos ako sap ag-aaral.

Walang Ama


Naranasan mona bang mamatayan ng ama? Ako oo, noong namatay yong ama ko yun yong time na pinakamasakit sa buong buhay ko na mawalan ng ama. Masakit isipin pero kailangan tanggapin dahil lahat naman tayo ay mamatay sa takdang oras.

Isang araw may nakasabay ako sa pagkain sa Jolibee. Isang buong pamilya yung kumpleto sila yung nakikita mung masaya sila, yung walang kulang. Habang ako ay kumakain pinagmamasdan ko sila naisip ko tuloy yung panahon na kasama ko si tatay , si nanay at ang mga kapatid ko na kumain din kami sa jolibee. At diko namalayan yung luha kop ala ay tumutolo na sa subra kung kapapanood sa kanila. Sana kung ditto pa si tatay masaya din ako at pamilya ko na walang kulang. Sana kung nasaan man si tatay ngayon masaya na siya sa langit at gabayan niya kami parati.

Bakit nga ba tinatawag na "Tree of Life" ang Niyog?

Bakit nga ba tinatawag na Tree of Life ang Niyog? Tinatawag na Puno ng Buhay ang niyog dahil mula ugat hanggang bunga ay napapakinabanga...